grabe and mga taxi drivers dito sa metro manila (pero nde naman lahat). kung may pagkakataon sila, dudugasan ka talaga ng mga ito. at eto nga mismo ang na-experience ko nung huli akong sumakay ng taxi.
pauwi na akong bohol. nakita yung isa sa mga taxi na nakapila sa gilid ng SM makati. walang akong nakitang ibang naka-pila. sabi ko sa sarili ko, "ayos to."
sinabi ko sa driver, "sa south harbour po. dyan malapit sa manila hotel." pumayag siya.
pero wala pang 20 metro ang nalakbay namin ay bigla niyang sinabi, "boss, 150 na lang." bigla napansin ko na hindi pa pala naka-on yung meter.
mejo namahalan ako sa 150 na singil niya kaya di ako pumayag. bigla ko ding sinabi, "manong, mga 120 lang ata yun."
noong summer break kasi nakasakay na din ako ng taxi galing SM makati/glorietta area pero di ko na talaga maalala kung magkano nabayaran ko dati. ang naalala ko lang mga 100+ yung bayad ko dati. binigyan ko na lang ng allowance ng 20 pesos kaya naging 120. itong thought process na 'to ay nangyari sa loob lamang ng isang segundo.
di pumayag yung driver. kaya tinawaran ko. sabi ko, "sige, 130 na lng." naisip niya siguro na yun na yung last tawad ko kaya nag-meter na lang siya. ayos! isang puntos para sa akin.
score: 1-0
lamang si choc.
after mga 5 minuto, tinanong ako ng driver. kelan daw ako nag-bayad ng 120? sabi ko, "nung May." naisip ko, nagmahal na nga pala yung gasolina kaya baka nga tama siya na 150 yung ibabayad ko sa kanya. may sinabi siya pero di na ko narinig (or di ko pinakinggan) ng mabuti. di niya ata nagustohan yung narinig niya na May pa yung 120 ko na bayad.
nagsimula ng uminit yung labanan naming dalawa.
madami siyang mga sinabi. mahirap na daw yung buhay ngayon. ang mahal pa ng gasolina. naisip ko, "estudyante pa lang naman ako kaya sa ibang tao ka na lang mandugas hayop ka." pero ang nasabi ko lang ay, "manong, estudyante pa lng nman ako." paawa effect na lang ginawa ko. baka kasi effective.
pagkatapos nun ay tumahimik siya. pero maya-maya ay nag-stop siya sa isang gas station para..well, magpa-gas. sabi niya dun sa gas boy, "3 leters lang tsong." maya-maya ay sinabi niya, "boss, may 120 ka?"
di ko alam kung bkit binigay ko yung 120 pesos ko. naisip ko lng pagkatapos, "bakit ko nga ba binigay yung pera ko? wala ba siyang pera?" naisahan niya ata ako dun ah. grrr!
score: 1-2
lamang yung taxi driver.
nung palapit na kami sa south harbour ay chineck ko yung meter...115 lng. ayos! pero mukhang lalampas yata ng 120. hinalungkat ko bag ko para maghanap ng barya. naku, 2 pesos lng. 2.50 pa yung bawat patak ng metro.
pero bigla kong naalala, kelangan ko pla bumili ng mga pagkain. mga 150 meters siguro (parang si jacob no?) ay nakakita ako ng convenience store. nung pinara ko yung taxi dun mismo sa tapat ng store, bigla kong chineck yung meter. 120 pesos! saktong-sakto!
ayun, feeling ko lang tuloy naisahan ko yung madugas na driver na yun. hehe!
final score: 3-2
panalo ako. yahoo!
***ang babaw ko noh?! :)